malungkot talaga ako..kasi mejo matagal na akong di nakauwi sa san jose..miss ko na talaga ang mindoro..lalo na ang bubog...
marami na akong narating na mga lugar sa buhay ko..batangas.,manila.,pampanga., bulacan., baguio.,o kahit saan pa...iba parin ang bayang sinilangan..
nakakamiss talaga ang mindoro...lalo na ang aroma beach...tambayan namin ng barkada ko...
kapag may problema ako dati sa beach ako pumupunta..umiiyak ako dun...
haytz...this january.,uuwi na naman ako dun... salamat talaga sa dios...
almost 3 years na akong di umuwi dun...sana maunlad na ang pinakamamahal kong lalawigan..
mayaman sana ito sa mga likas na yaman..kaya lang parang pinabayaan na ata...
haaay...
pero sa totoo lang.,naaawa ako sa mamamayan ng occidental mindoro.. lalo na ang mga mangingisda..
sa bubog ako lumaki at nagkaisip...dun din ako natutong mangarap...
pero dahil naglalako lang ng isda ang mama ko.,di nya ako mapag-aral.. kaya kelangan ko pang umalis ng mindoro para magtrabaho at mag-aral sa batangas...
kasi kapag amihan.,walang huling isda ang mga mangingisda sa bubog..wala rin halos makain..
totoo yan dahil naranasan namin..pero di parin naman kami pinapabayaan ni GOD..
pero ang kahirapan ng buhay na yun ang nagturo saken kung paano ang magsikap at mangarap..aminado ako.,kawawa talaga ang mamamayan ng occidental.,kasi walang ganong hanap-buhay...pangingisda at pagsasaka...yan ang pangunahing hanap-buhay...
sana isang araw.,maunlad na ang bayang ito..
Wednesday, January 21, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)